(Smart Pit)
(Smart Pit)
Ang halaga lamang ng coupons na nais bayaran ang dalhin at ibigay sa cash register.
Siguraduhin lamang na ang numero na nakasulat sa coupon at numero ng card na nais i-recharge ay pareho upang maiwasan ang pagkakamali sa pagbabayad.
Mag-request ng karagdagang coupons sa:
My Account
Ipakita lamang ang likod ng card sa cash register kung nais magbayad sa pamamagitan ng Smart Pit payment. Ang payment amount ay naka-set ng ¥2,000 subalit ito ay maaaring palitan ng ¥5,000 o ¥10,000 sa My Account.
Mangyari lamang na i-activate ang Smart Pit payment system ng inyong card kung magre-recharge sa unang pagkakataon gamit ang Smart Pit payment, o kung ang inyong card ay hindi nagamit ng tatlong buwan.
Smart Pit activation
| Tumatanggap ng: |
|
|
|
|
Automatic Recharge (para sa VISA at MasterCard cards na na-issue lamang sa Japan) I-set ang auto-recharge option kung magbabayad sa pamamagitan ng credit card at ang inyong account ay awtomatikong mare-recharge kapag ang balanse ay bumaba na sa itinakdang halaga. |
I-recharge ang sa: My Account |
-
Isang 3D Secure system, na nirerekomenda ng VISA and Mastercard ang aming ginagamit sa aming website upang masiguro ang inyong online credit card payment.
Ang conventional online card payment ay maaaring maproseso sa pamamagitan ng pag-enter ng impormasyon na naka-print sa card tulad ng "credit card number" at "expiry date". Subalit para magamit ang 3D Secure enabled cards, ang "password na kayo lamang ang nakakaalam" ay kakailanganin din para sa authentication.
Ang pagbabayad ay hindi ninyo makukumpleto sa aming website kung kayo ay walang 3D Secure enabled card, kaya't aming inirerekomenda na irehistro muna ang kinakailangang impormasyon (password) sa website ng inyong card issuer. - Para sa panseguridad na kadahilanan, ang credit card at PayPal recharges ay may daily limit na ¥10,000, at weekly limit na ¥20,000. Ang limit ay maaaring dagdagan base sa request at beripikasyon. Kung nais dagdagan ang limit, mangyaring makipag-ugnayan lamang sa customer service.
- Ang recharges sa pamamagitan ng VISA at MasterCard cards na na-issue sa Japan ay hindi maaaring magamit sa international recharges, credit transfers, SMS purchases, o sa anumang serbisyo maliban sa pagtawag. Kung nais gamitin ang mga nasabing serbisyo, mangyari lamang na magbayad sa pamamagitan ng PayPal.
- Ang automatic recharges ay mangyayari kapag ang balanse ng inyong Brastel account ay bumaba na sa itinakdang halaga matapos gumawa ng tawag. Ang ibang operations ay hindi magiging dahilan ng recharge.
- Ang automatic recharge option ay made-deactivate kung ang credit card ay expired na o kung ang pagbabayad ay hindi pinahintulutan ng credit card company.
| Name | Address | Phone number |